Wednesday, February 3, 2010

2KX

Lumagpas na ang isang buwan ng 2010.
Ngayon pa lang ako nakagawa ng mga plano ko para ngayong taon.

1. Magkaroon ng sarili kong Bible.
-Wala pa kasi kong sarili kong Bible. Nanghihiram pa ko sa tatay ko para lang makapagbasa. Gusto ko sanang makabili sa March, pero kung yung nagbabasa nito e may balak akong bigyan, huwag mo ng pag-isipan!!! Pagpapalain ka ni Lord. :D

2. Makaipon ng pera kahit wala naman akong gustong bilhin.
-Ang gastos ko masyado. Hindi na ko ulit nakakapag-ipon. Kaya tuloy napapautang ako minsan. Mabilis na kasi ko magutom ngayon kaya bili kaagad kapag nagustuhan kong kumain. Kahit kapag kakakain ko lang naghahanap pa ko ng ibang kakainin. Binawasan ko na naman yung paginternet pero parang nadagdagan lang yung gastos ko.

3. Mas magandang healthy habits in forms of exercise and pagkain ng healthy.
-Sinimulan ko na siya nung Feb. 1. Nagjojogging ako ng 5 a.m. araw-araw maliban kapag thursday. 7 a.m. kasi start ng unang class ko kaya wala akong time para mag-jogging. Yung pagkain ng healthy naman, 'di ko pa nasisimulan. Malapit na din naman siguro.

4. Madagdagan ang oras ng pag-aaral kesa maglaro.
-Napansin ko kasi na madalas pa rin akong naglalaro ng computer games kesa nag-aaral. Para ngang hindi pa rin nagbabago study habits ko. Sa school lang nag-aaral.

5. Matapos na ang nauna ko ng sinabing plano ng panagarap kong bahay.
-Bago pa nanalasa si Ondoy, 'yun ang huli kong post. Kala ko nga 'yun na nga talaga 'yung huli, buti naman hindi. Siguro sa 2nd half pa ng taon ko magagawa 'yun. Baka kasi hindi ko pa mabigyan ng oras 'yun ngayon.

Optional:
*Tigilan na ang paglalaro sa comp.
*Befriend si.... XD

"For I know the plans I have for you," declares the LORD, "plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future."
-Jeremiah 29:11

Kaya naging optional kasi medyo mahirap. Pero ibig sabihin lang 'nun e may possibility.



Salamat sa oras nyo/mo. :D
God bless!

No comments:

Post a Comment