Thursday, August 27, 2009

Mech a Move

Mechanics is complicated
The reason it is hated
It forces you to assume
Cause' it's given in equilibrium
Often done with friction
It can never be an addiction
Given a simple structure
Skulls could have a fracture
Try using the moment
It would be hard to be patient
Required to find the unknown force
You better drop the course

Sunday, August 23, 2009

To see is not always to believe

In a street in America, a woman owns a car that has a plate that says "Jesus is with me".
One day, this car was driven. There came a time that a car was in front of the her car while the traffic light signals stop. She impatiently made a continuous beep at the car in front. Unluckily, there was a police mobile behind the car with the said plate. The policeman went out of his mobile then saw the plate of the car. The policeman arrested the driver of the car with the said plate. He accused her of carnapping.

Why carnapping? Because the woman does not act the way her car displays.

People tend to tell other people that they are Christians but their acts does not show them.

Matthew 7:21-23

21 Not everyone who says to Me, "Lord, Lord," shall enter the kingdom of heaven, but he who does the will of My Father in heaven.
22 Many will say to Me in that day, "Lord, Lord, have we not prophesied in Your name, cast out demons in Your name, and done many wonders in Your name?"
23 And then I will declare to them, "I never knew you; depart from Me, you who practice lawlessness."

The Pastor and the Lawyer

Lawyer: Pastor, do you know that if I speak lies about you in front of a judge, I can put you in jail.


Pastor: Yes I know, but did you know that if I lie to the people that are listening to me every sunday, they might go to hell? For if I lie to them, they will never know what God really wants for them.


Yabang kasi nung lawyer.. haha!! ^_^

Thursday, August 20, 2009

Happy Anniversary!! (Part Two)

August 16, 2009(Anniversary na!!)
6:30 a.m.:
Gising na ko kaagad. Kailangan e. Ang layo kasi ng bahay namin mula sa sumbahan. Kumain na ko kaagad, nag-facebook at naligo. Dapat daw kasi 10:00 a.m. nasa church na. Kaso mukhang masyado akong natuwa sa facebook at medyo napatagal. 9:30 na nga ako nakaalis ng bahay. Siguradong late na naman. Hays..

10:30 a.m. (Oras ng assembly)
Nung dumating ako sa church, wala na ang mga gamit. Wala na yung gitara, drums at microphone. Pano na ko magpapractice kumanta nyan? Naisip ko na wala na sigurong practice, wala ng instrument e. Wala na kong nagawa kundi maghintay na lang.

11:30 a.m.
Dumating ang iba kong mga churchmate. Dinala na daw nila lahat ng mga gamit sa pagdadausan ng anniversary. Dumating naman si pastor. Sabi niya hindi pa daw nakukuha yung ibang mga upuan. E 'di sama ko para kumuha ng mga upuan. Napansin namin na sobrang init. Para bang tumingin ka lang sa lupa na nasisinagan ng araw, maiinitan ka na. Hindi ko inaasahan na sobrang dami pala ng upuan na kukunin. Tatlo lang kami na kumuha ng mga upuan. Dahil hindi kinaya na isang bagsakan na kuha, kailangan namin balikan ang mga natira.

1:30 p.m.
Natapos na kami sa paghahakot nga mga upuan. Hindi pa ko nakakapagpahinga. Hindi pa ko nanananghalian. Hindi pa ko nakabihis. 2:00 p.m. ang start ng program. Hindi na talaga ko makakakain. Asa naman ako 'diba. Kaya ayun diretso na agad sa venue.

2:30 p.m.
Bumuhos ang ulan. Buti na lang covered ang aming venue. Nakita ko ito bilang isang napakalaking blessing. Alam kasi ni Bro na mahihirapan ang mga dadalo kung mainit ang kanilang pakiramdam, wala pa namang electric fan na nadala. Mabait talaga si Bro.

3:30 p.m.
Tsaka lang nag-start ang program. Hindi dahil sinunod namin ang Filipino time, dahil madaming problemang teknikal. Yung tunog ng mga speaker ay sabog. Kapag nagsasabay ang dalawang boses, nagiging putol-putol ang tunog. Ang mga mic ay nawawalan ng tunog at parang tinotopak, tila pinaglalaruan ang boses ng mga magsasalita. Pero, pero, pero, walang makakahadlang na matuloy ang anniversary ng church. Kasi kasama namin ang Great Provider. Kaya walang kahit ano mang bagay ang makakapagpigil samin para i-return ang sa Kanya ang mga blessings na ipinagkaloob Niya sa amin.

6:30 p.m.
Natapos ang program ng maayos. Lahat masaya. Lahat busog. Lahat pinagpala! Kahit pa maraming bagay ang nag-attempt na pumigil sa amin. Still, hindi kami nagpaapekto. Dahil may tiwala kami na hindi Niya kami pababayaan.

7:00 p.m.
Kailangan na mag-packing. Ang dami pang dapat ayusin at ibalik. Yung mga instrument, props at mga kalat. Kailangan na din namin ibalik na yung mga upuan may pasok na kasi ang karamihan sa susunod na araw.

8:00 p.m.
Nakabalik na kami sa church ulit. Bonding moment na sa mga ka-churchmate at kahit paano, makapagpahinga. Kumain kami ulit. Mas masaya ang kuwentuhan kapag may pagkain(Tama ba o baliktad?). Nakipagbiruan at nakipagkulitan. Makapal na mukhang kumakanta sa mic na hindi naman nakakabit.

8:30 p.m.
Uwian na. Hay salamat. Pahinga na. Nakakapagod talaga. Buong araw kami gumagalaw. Halos dalawang araw kaming gising. Pero ok lang 'yun. Para naman kay Lord e.


F.Y.I.s (For Your Informationsssssss)
*Merong taga-GMA na gustong kumuha ng clear copy ng mga kinanta at tinugtog sa anniversary. Hindi namin inaasahan 'yun. Ang alam lang namin e hinire sila para kumuha ng mga pictures.
*The next day, wala akong naramdaman na kahit anong sakit ng katawan o pagod. Ibig sabihin lang nun, BLESSING!
*Walang Video. Hehe.. ^_^


TO GOD BE THE GLORY!!!!

Monday, August 17, 2009

Happy Anniversary!! (Part 1)

A day before(August 15, 2009):

Ito ang sinabing araw para sa aming general practice. Ang napag-usapang oras ay 5:00 p.m. At sa kamalian, na-late ako, dahilan na may ibang bagay akong inuna na hindi naman talaga priority. Anyways, nakarating ako ng 5:30 p.m. sa aming church. Sa kabutihang palad, hindi pa nagsisimula, at may mga mas late pa sakin ng sobra.

Habang naghihintay, tumulong na lang ako sa pag-gawa ng mga props. Napansin ng ka-churchmate ko na kulang kami ng white na acrylic paint. Kaya nakagala ako sa paligid ng church namin sa may Pasig. Naglakad lang kami para maghanap ng puting pintura.
Sa paglalakad namin, marami akong napansin. Nandyan ang mga taong, kung maglakad sa kalsada, akala mo walang pakialam kung masagasaan sila. Mga taong kung makapagmura, normal na na lumalabas sa mga bibig nila, yung tipong kulang ang isang pangungusap kung walang kasamang mura. Mga taong wala ng ibang ginawa kundi tumambay at humithit ng usok. Mga taong hindi ko alam ang patutunguhan. Pumasok sa isip ko ang tanong na 'to: sino ba makakatulong sa kanila? Sarili nila? Hindi. Tayo.

Natapos ang paglalakad namin na wala kaming nakitang bukas na tindahan ng pintura, pero OK lang, kahit papano may mga bagay na nakapagpagana ng utak ko. 6:30 na. Nakabalik kami ng church na nagpapractice na yung dance ministry. Buti naman nakapagstart na yung practice.
8:00 na nung natapos ang dance ministry. Kakain muna ng dinner para maya lakas para sa practice naming music ministry(hehe kasama ako).

8:30 na nung nag-start kami. Sa kalagitnaan ng practice namin, kung saan hindi naman ako na part, in-offeran ako ng isa ko pang church-mate na uminom ng salabat(sabaw ng pinakuluang luya, pampaganda daw ng boses). E 'di sinubukan ko naman. Nung dumaan sa dila ko, hindi naman pangit ang lasa. Pero nung dumaan na sa lalamunan ko, WOOOAAAAHHHH!!! Ang sakit sa lalamunan!!! Ramdam ko yung guhit, parang sinunog. Try niyo, gaganda naman 'yung boses mo e. Sanayan lang daw 'yan.

Naging maayos naman ang practice namin. Maganda yung tunog, ayos ang mga kanta, kabisado na ang mga routine at wala ng dapat alalahanin. Kumbaga ready na ready na kami para sa anniversary ng church namin.

Sumunod naman ang practice para sa skit. Medyo napalitan kaya tumagal ang practice.
Natapos ang practice. Ang oras: 12:30 a.m.

1:30 na nung nakauwi kami sa bahay. Pagkahiga, tulog kaagad ako. Kailangan na ng lakas para sa araw ng anniversary. Ang sabi kasi 10:00 a.m daw magkikita sa church.


Tobe continued...(Antok na ko e..) -_-

Thursday, August 13, 2009

Buhay-Basketball

Kanina, nung naglaro ako ng basketball dito lang sa may amin, medyo hindi naging maganda yung laro. Nakakainis lang kasi kailangan pa nilang mandaya para lang manalo. Ganito yung nangyari:

Niyaya lang ako ng kaibigan ko para maglaro. May mga gusto daw kasi makipaglaro,4 on 4. E kulang daw sila ng isa, kaya napasama na lang ako.

Kalaban1: O game, pustahan ah.. RC.. up to 16.
Kakampi(Lahat): Sige, sige...

Tumagal ng onti ang laro, 11-5 ang score. Lamang ang kalaban.

Kalaban2: O, last one na ah!!
Kakampi1: Ha??? Akala ko ba hanggang 16???
Kakampi2: Oo nga, baka naman 2-point scoring niyo tapos samin 1-point lang??
Ako:?????????????
Kalaban2: Ay ganun ba.. Sige, sige..
Kakampi1: Sus...

Tuloy ang laban at sa huli, talo din naman kami

Kalaban1: Ramdam ko na yung RC sa lalamunan ko.
Ako: (Sa isip ko lang:Pssss.. Yabang!)
Kakampi2: O sige, banse, banse(ibig sabihin isa pa).
Kalaban1: Sige, isa pa.

Tumagal ang laban, kami na ang lamang. 12-10 ang score, kami na ang lamang). Nagset ako ng screen para sa kakampi ko. Nung bumunggo na siya sakin, tinulak niya ko. Bwisit na bwisit ako nung ginawa niya yun.

Kakampi1: Napansin ko itutulak nila yung mga haharang sa kanila.
Ako: Oo nga e, walang teamwork.

Tumagal pa ng onti, nakuha ko yung bola(hawak ko ng dalawang kamay, ibig sabihin hindi ako nagdidribble. May dumepensa sa akin. Nakatalikod ako sa kanya habang pilit na inilalayo ang bola mula sa kanya. Pak!! Tinamaan yung mukha ko nung sinubukan niyang agawin yung bola sakin.

Ako: !@#$%^&*

Sa isip ko: Ang layo naman nung itsura ng bola sa itsura ng mukha ko. Hindi ba niya napansin yung malaking ilong na nakakabit sa mukha ko???

In the end, nabawi namin yung talo namin, 16-12. At sa malinis na paraan.

Ganun na ba kadesperado ang mga tao ngayon?? Dahil sa isang litrong RC(na paghahatian nilang apat), magagawa mong mandaya?? Masyado naman nilang iniisip yung sarili nila para sa benefit nila. Ang cheap kumbaga. HAHA!!

"Walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang"
-kinanta nung wake ni Pres. Cory Aquino

Sunday, August 9, 2009

Madaling Maging Mayaman

"If your Father in Heaven owns the world, what is it that He can not give?"

'Yan ang nagbigay linaw sakin na walang taong mahirap. Kumbaga, ang tao lang ang gumagawa ng dahilan para maging mahirap siya. Siguro maiisip mo din na hindi lahat ng tao ay naaabot ng magandang balita tungkol sa Kanya, pero ikaw na nagbabasa ng blog ko, nakaisip ka na ba ng paraan para maabot nila ang magandang balita? Kaya mo bang ipakilala sa ibang tao si Bro?

(isip, isip, isip....)

Hehe..
'Yun lang.. Shinare ko lang yung testimony ng churchmate ko..

^_^

Tuesday, August 4, 2009

Maniniwala ka ba..

Na kakanta ko sa Anniversary ng church namin?? 'Di ka nananaginip. Kahit ilang beses mo pa sampalin yung mukha mo, nasa realidad ka pa rin.

Gusto ko?? Hindi ko alam. Nagulat nga din ako nung bigla akong sinama ng coordinator ng program para sa anniversary namin. Maganda daw boses ko. Ni isang beses 'di pa ko kumanta sa church namin, maganda na boses ko??

Hindi ko alam, pero para sakin, ang hirap kantahin nung binigay sakin na kanta. May parte yung kanta na ubod ng taas!!!

NASA RIGHT SIDE YUNG KAKANTAHIN KO --------->>
(Autoplay naman kaya pakinggan niyo na lang)

Maganda yung kanta. Ang sakit nga lang sa lalamunan. (^0^)
Eto lyrics kung gusto mo sundan:

In Your Freedom

I search for You God of strength
I bow to You in my brokenness
And no other King could have so humbly come
To save my soul and heal my heart
I have nothing more than all You offer me
There is nothing else that’s of worth to me

And I love You Lord
You rescued me
You are all that I want
You’re all I need

I pray to You God of peace
I rest in You my cares released
I have nothing more than all You offer me
There is nothing else that’s of worth to me

And I love You Lord
You rescued me
You are all that I want
You’re all I need

In Your freedom I will live
In Your freedom I will live
I offer devotion, I offer devotion

"I can do all things through Christ, who gives me strength."
Philippians 4:13