Saturday, September 19, 2009

Time Travel: Future

Para saan ba ang mga bagay na ginagawa natin ngayon? 'Di ba para sa resulta ng hinaharap? Nagkaroon kasi ng oras na tinanong ako ng kasalukuyan kong kaklase, 'Pre, kapag magpapatayo ka na ng sarili mong bahay, ano gusto mong features nito?'. Sa una, sabi ko 'gusto ko yung maluwag', tapos hindi ko na masundan. Wala ng pumapasok sa isip ko. Parang ang hirap kumuha ng mga ideya ng mga gusto ko para sa sarili kong magiging tahanan sa hinaharap. Kaya tuloy naisip ko na parang wala pa kong sariling plano para sa hinaharap ko. Naisip ko tuloy na i-try gumawa ng plan ng dream house ko this week. Kahit konti pa lang ang nalalaman ko sa pag-gawa ng plano, may natutunan naman ako sa naging drawing class ko nung first year. Siguro i-try kong i-post dito yung pic. Wish me luck! :D

Smiley Day

Everytime I see you
Your smile is what I look forward to
If I were to receive a smile
My mind would go a mile

I know it's not fake
Cause that's one hard to make
It's what I know you're good at
It makes my heart feel flat

Before the end of the day
I hope that you may
That one single smile
Makes the day worthwhile




SMILE EVERYONE!! ^_^

Sunday, September 6, 2009

PRIDE

Article about Muhammad Ali:
Muhammad Ali is a one of the greatest boxer of all-time. He made history in the boxing world.

Just before takeoff on an airplane flight. The stewardess reminded Ali to fasten his seat belt. "Superman don't need no seat belt," replied Ali.
Then the stewardess replied, "Superman don't need no airplane either".

Pahiya xa e. Haha!!

Ibig sabihin lang nun wala tayong dapat ipagmayabang o ipagmalaki kahit kanino. Dahil lahat ng bagay na meron tayo ay hiram lang natin. Sabi nga ng pastor namin, sa lahat ng mga "fried" ito(pride) ang pinakamahirap na lunukin. ^_^

Thursday, August 27, 2009

Mech a Move

Mechanics is complicated
The reason it is hated
It forces you to assume
Cause' it's given in equilibrium
Often done with friction
It can never be an addiction
Given a simple structure
Skulls could have a fracture
Try using the moment
It would be hard to be patient
Required to find the unknown force
You better drop the course

Sunday, August 23, 2009

To see is not always to believe

In a street in America, a woman owns a car that has a plate that says "Jesus is with me".
One day, this car was driven. There came a time that a car was in front of the her car while the traffic light signals stop. She impatiently made a continuous beep at the car in front. Unluckily, there was a police mobile behind the car with the said plate. The policeman went out of his mobile then saw the plate of the car. The policeman arrested the driver of the car with the said plate. He accused her of carnapping.

Why carnapping? Because the woman does not act the way her car displays.

People tend to tell other people that they are Christians but their acts does not show them.

Matthew 7:21-23

21 Not everyone who says to Me, "Lord, Lord," shall enter the kingdom of heaven, but he who does the will of My Father in heaven.
22 Many will say to Me in that day, "Lord, Lord, have we not prophesied in Your name, cast out demons in Your name, and done many wonders in Your name?"
23 And then I will declare to them, "I never knew you; depart from Me, you who practice lawlessness."

The Pastor and the Lawyer

Lawyer: Pastor, do you know that if I speak lies about you in front of a judge, I can put you in jail.


Pastor: Yes I know, but did you know that if I lie to the people that are listening to me every sunday, they might go to hell? For if I lie to them, they will never know what God really wants for them.


Yabang kasi nung lawyer.. haha!! ^_^

Thursday, August 20, 2009

Happy Anniversary!! (Part Two)

August 16, 2009(Anniversary na!!)
6:30 a.m.:
Gising na ko kaagad. Kailangan e. Ang layo kasi ng bahay namin mula sa sumbahan. Kumain na ko kaagad, nag-facebook at naligo. Dapat daw kasi 10:00 a.m. nasa church na. Kaso mukhang masyado akong natuwa sa facebook at medyo napatagal. 9:30 na nga ako nakaalis ng bahay. Siguradong late na naman. Hays..

10:30 a.m. (Oras ng assembly)
Nung dumating ako sa church, wala na ang mga gamit. Wala na yung gitara, drums at microphone. Pano na ko magpapractice kumanta nyan? Naisip ko na wala na sigurong practice, wala ng instrument e. Wala na kong nagawa kundi maghintay na lang.

11:30 a.m.
Dumating ang iba kong mga churchmate. Dinala na daw nila lahat ng mga gamit sa pagdadausan ng anniversary. Dumating naman si pastor. Sabi niya hindi pa daw nakukuha yung ibang mga upuan. E 'di sama ko para kumuha ng mga upuan. Napansin namin na sobrang init. Para bang tumingin ka lang sa lupa na nasisinagan ng araw, maiinitan ka na. Hindi ko inaasahan na sobrang dami pala ng upuan na kukunin. Tatlo lang kami na kumuha ng mga upuan. Dahil hindi kinaya na isang bagsakan na kuha, kailangan namin balikan ang mga natira.

1:30 p.m.
Natapos na kami sa paghahakot nga mga upuan. Hindi pa ko nakakapagpahinga. Hindi pa ko nanananghalian. Hindi pa ko nakabihis. 2:00 p.m. ang start ng program. Hindi na talaga ko makakakain. Asa naman ako 'diba. Kaya ayun diretso na agad sa venue.

2:30 p.m.
Bumuhos ang ulan. Buti na lang covered ang aming venue. Nakita ko ito bilang isang napakalaking blessing. Alam kasi ni Bro na mahihirapan ang mga dadalo kung mainit ang kanilang pakiramdam, wala pa namang electric fan na nadala. Mabait talaga si Bro.

3:30 p.m.
Tsaka lang nag-start ang program. Hindi dahil sinunod namin ang Filipino time, dahil madaming problemang teknikal. Yung tunog ng mga speaker ay sabog. Kapag nagsasabay ang dalawang boses, nagiging putol-putol ang tunog. Ang mga mic ay nawawalan ng tunog at parang tinotopak, tila pinaglalaruan ang boses ng mga magsasalita. Pero, pero, pero, walang makakahadlang na matuloy ang anniversary ng church. Kasi kasama namin ang Great Provider. Kaya walang kahit ano mang bagay ang makakapagpigil samin para i-return ang sa Kanya ang mga blessings na ipinagkaloob Niya sa amin.

6:30 p.m.
Natapos ang program ng maayos. Lahat masaya. Lahat busog. Lahat pinagpala! Kahit pa maraming bagay ang nag-attempt na pumigil sa amin. Still, hindi kami nagpaapekto. Dahil may tiwala kami na hindi Niya kami pababayaan.

7:00 p.m.
Kailangan na mag-packing. Ang dami pang dapat ayusin at ibalik. Yung mga instrument, props at mga kalat. Kailangan na din namin ibalik na yung mga upuan may pasok na kasi ang karamihan sa susunod na araw.

8:00 p.m.
Nakabalik na kami sa church ulit. Bonding moment na sa mga ka-churchmate at kahit paano, makapagpahinga. Kumain kami ulit. Mas masaya ang kuwentuhan kapag may pagkain(Tama ba o baliktad?). Nakipagbiruan at nakipagkulitan. Makapal na mukhang kumakanta sa mic na hindi naman nakakabit.

8:30 p.m.
Uwian na. Hay salamat. Pahinga na. Nakakapagod talaga. Buong araw kami gumagalaw. Halos dalawang araw kaming gising. Pero ok lang 'yun. Para naman kay Lord e.


F.Y.I.s (For Your Informationsssssss)
*Merong taga-GMA na gustong kumuha ng clear copy ng mga kinanta at tinugtog sa anniversary. Hindi namin inaasahan 'yun. Ang alam lang namin e hinire sila para kumuha ng mga pictures.
*The next day, wala akong naramdaman na kahit anong sakit ng katawan o pagod. Ibig sabihin lang nun, BLESSING!
*Walang Video. Hehe.. ^_^


TO GOD BE THE GLORY!!!!

Monday, August 17, 2009

Happy Anniversary!! (Part 1)

A day before(August 15, 2009):

Ito ang sinabing araw para sa aming general practice. Ang napag-usapang oras ay 5:00 p.m. At sa kamalian, na-late ako, dahilan na may ibang bagay akong inuna na hindi naman talaga priority. Anyways, nakarating ako ng 5:30 p.m. sa aming church. Sa kabutihang palad, hindi pa nagsisimula, at may mga mas late pa sakin ng sobra.

Habang naghihintay, tumulong na lang ako sa pag-gawa ng mga props. Napansin ng ka-churchmate ko na kulang kami ng white na acrylic paint. Kaya nakagala ako sa paligid ng church namin sa may Pasig. Naglakad lang kami para maghanap ng puting pintura.
Sa paglalakad namin, marami akong napansin. Nandyan ang mga taong, kung maglakad sa kalsada, akala mo walang pakialam kung masagasaan sila. Mga taong kung makapagmura, normal na na lumalabas sa mga bibig nila, yung tipong kulang ang isang pangungusap kung walang kasamang mura. Mga taong wala ng ibang ginawa kundi tumambay at humithit ng usok. Mga taong hindi ko alam ang patutunguhan. Pumasok sa isip ko ang tanong na 'to: sino ba makakatulong sa kanila? Sarili nila? Hindi. Tayo.

Natapos ang paglalakad namin na wala kaming nakitang bukas na tindahan ng pintura, pero OK lang, kahit papano may mga bagay na nakapagpagana ng utak ko. 6:30 na. Nakabalik kami ng church na nagpapractice na yung dance ministry. Buti naman nakapagstart na yung practice.
8:00 na nung natapos ang dance ministry. Kakain muna ng dinner para maya lakas para sa practice naming music ministry(hehe kasama ako).

8:30 na nung nag-start kami. Sa kalagitnaan ng practice namin, kung saan hindi naman ako na part, in-offeran ako ng isa ko pang church-mate na uminom ng salabat(sabaw ng pinakuluang luya, pampaganda daw ng boses). E 'di sinubukan ko naman. Nung dumaan sa dila ko, hindi naman pangit ang lasa. Pero nung dumaan na sa lalamunan ko, WOOOAAAAHHHH!!! Ang sakit sa lalamunan!!! Ramdam ko yung guhit, parang sinunog. Try niyo, gaganda naman 'yung boses mo e. Sanayan lang daw 'yan.

Naging maayos naman ang practice namin. Maganda yung tunog, ayos ang mga kanta, kabisado na ang mga routine at wala ng dapat alalahanin. Kumbaga ready na ready na kami para sa anniversary ng church namin.

Sumunod naman ang practice para sa skit. Medyo napalitan kaya tumagal ang practice.
Natapos ang practice. Ang oras: 12:30 a.m.

1:30 na nung nakauwi kami sa bahay. Pagkahiga, tulog kaagad ako. Kailangan na ng lakas para sa araw ng anniversary. Ang sabi kasi 10:00 a.m daw magkikita sa church.


Tobe continued...(Antok na ko e..) -_-

Thursday, August 13, 2009

Buhay-Basketball

Kanina, nung naglaro ako ng basketball dito lang sa may amin, medyo hindi naging maganda yung laro. Nakakainis lang kasi kailangan pa nilang mandaya para lang manalo. Ganito yung nangyari:

Niyaya lang ako ng kaibigan ko para maglaro. May mga gusto daw kasi makipaglaro,4 on 4. E kulang daw sila ng isa, kaya napasama na lang ako.

Kalaban1: O game, pustahan ah.. RC.. up to 16.
Kakampi(Lahat): Sige, sige...

Tumagal ng onti ang laro, 11-5 ang score. Lamang ang kalaban.

Kalaban2: O, last one na ah!!
Kakampi1: Ha??? Akala ko ba hanggang 16???
Kakampi2: Oo nga, baka naman 2-point scoring niyo tapos samin 1-point lang??
Ako:?????????????
Kalaban2: Ay ganun ba.. Sige, sige..
Kakampi1: Sus...

Tuloy ang laban at sa huli, talo din naman kami

Kalaban1: Ramdam ko na yung RC sa lalamunan ko.
Ako: (Sa isip ko lang:Pssss.. Yabang!)
Kakampi2: O sige, banse, banse(ibig sabihin isa pa).
Kalaban1: Sige, isa pa.

Tumagal ang laban, kami na ang lamang. 12-10 ang score, kami na ang lamang). Nagset ako ng screen para sa kakampi ko. Nung bumunggo na siya sakin, tinulak niya ko. Bwisit na bwisit ako nung ginawa niya yun.

Kakampi1: Napansin ko itutulak nila yung mga haharang sa kanila.
Ako: Oo nga e, walang teamwork.

Tumagal pa ng onti, nakuha ko yung bola(hawak ko ng dalawang kamay, ibig sabihin hindi ako nagdidribble. May dumepensa sa akin. Nakatalikod ako sa kanya habang pilit na inilalayo ang bola mula sa kanya. Pak!! Tinamaan yung mukha ko nung sinubukan niyang agawin yung bola sakin.

Ako: !@#$%^&*

Sa isip ko: Ang layo naman nung itsura ng bola sa itsura ng mukha ko. Hindi ba niya napansin yung malaking ilong na nakakabit sa mukha ko???

In the end, nabawi namin yung talo namin, 16-12. At sa malinis na paraan.

Ganun na ba kadesperado ang mga tao ngayon?? Dahil sa isang litrong RC(na paghahatian nilang apat), magagawa mong mandaya?? Masyado naman nilang iniisip yung sarili nila para sa benefit nila. Ang cheap kumbaga. HAHA!!

"Walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang"
-kinanta nung wake ni Pres. Cory Aquino

Sunday, August 9, 2009

Madaling Maging Mayaman

"If your Father in Heaven owns the world, what is it that He can not give?"

'Yan ang nagbigay linaw sakin na walang taong mahirap. Kumbaga, ang tao lang ang gumagawa ng dahilan para maging mahirap siya. Siguro maiisip mo din na hindi lahat ng tao ay naaabot ng magandang balita tungkol sa Kanya, pero ikaw na nagbabasa ng blog ko, nakaisip ka na ba ng paraan para maabot nila ang magandang balita? Kaya mo bang ipakilala sa ibang tao si Bro?

(isip, isip, isip....)

Hehe..
'Yun lang.. Shinare ko lang yung testimony ng churchmate ko..

^_^

Tuesday, August 4, 2009

Maniniwala ka ba..

Na kakanta ko sa Anniversary ng church namin?? 'Di ka nananaginip. Kahit ilang beses mo pa sampalin yung mukha mo, nasa realidad ka pa rin.

Gusto ko?? Hindi ko alam. Nagulat nga din ako nung bigla akong sinama ng coordinator ng program para sa anniversary namin. Maganda daw boses ko. Ni isang beses 'di pa ko kumanta sa church namin, maganda na boses ko??

Hindi ko alam, pero para sakin, ang hirap kantahin nung binigay sakin na kanta. May parte yung kanta na ubod ng taas!!!

NASA RIGHT SIDE YUNG KAKANTAHIN KO --------->>
(Autoplay naman kaya pakinggan niyo na lang)

Maganda yung kanta. Ang sakit nga lang sa lalamunan. (^0^)
Eto lyrics kung gusto mo sundan:

In Your Freedom

I search for You God of strength
I bow to You in my brokenness
And no other King could have so humbly come
To save my soul and heal my heart
I have nothing more than all You offer me
There is nothing else that’s of worth to me

And I love You Lord
You rescued me
You are all that I want
You’re all I need

I pray to You God of peace
I rest in You my cares released
I have nothing more than all You offer me
There is nothing else that’s of worth to me

And I love You Lord
You rescued me
You are all that I want
You’re all I need

In Your freedom I will live
In Your freedom I will live
I offer devotion, I offer devotion

"I can do all things through Christ, who gives me strength."
Philippians 4:13

Friday, July 24, 2009

It can wait..

When I think about the times we spent together
I just don't know what to put on the header
I can't even make a picture
'Cause I wasn't even mature

Papers we share with each other
We even have no time to bother
Can't even remember the times
We used to ring those chimes

People say it was too early
But we thought we're ready
We went out on holidays
Like we're on a chase

Friends are there to support
Parents tell we're still short
We thought we had the idea
But we forgot the Messaiah

Committing for what's unsure
That's we cannot endure
Having no faith to the other
would cause to lose someone's temper

Making own decisions
The answers have no precisions
Both decided to pretend
But It was the time of the end

1 Corinthians 13:4
"Love is patient and kind"

Tuesday, July 14, 2009

'Di ko alam kung bakit masaya

Maliwanag na nung nagising ako. Medyo nakaramdam na kaagad ako ng gutom pagkabangon ko. Kahit pa gutom na ko, isa lang ang pumasok agad sa isip ko, unang quiz na pala namin sa mechanics. Ano kaya magiging kapalaran ko? Sa tingin ko kailangan ko ng tanggapin na kulang pa ang naaral ko.

Pagkatapos kumain e nag-aral na ko kaagad. Baka sakaling may maidadagdag pa ko sa mga nalalaman ko. Pero habang tumatagal, parang nare-realize ko na walang pumapasok sa utak ko. Lalo tuloy ako nawalan ng pag-asa.

Ayan. Tanghali na. Pag pasok ko sa classroom, umupo agad ako sa kung saan ako nakaupo kapag mechanics. Ay badtrip! Differential nga pala muna. HAHA! Ibig sabihin lang nun nawawala na ko sa katinuan.

Ayan Mech na talaga. Bago mag-quiz, tinanong muna ako ng kaklase ko tungkol sa subject. Wala akong naisagot na matino. Ibig sabihin, minemechanics na utak ko.

(Tama ba yung title?)

Hehe. Nakasagot naman ako kahit papano. Nagpapasalamat pala ko kay Ma'am Roque na kahit papaano e na-apply ko yung mga itinuro niya sa Physics 1. 2 item test yun, yung 1 lang yung nalagyan ko ng laman. Haha.

Medyo inaasahan ko na na 50-50 ang kalalabasan ng resulta ng quiz ko. Hehehehehe. Pero pakiramdam ko e parang hindi ako binagsakan ng masamang kapalaran. Parang ang gaan pa ng pakiramdam ko.

Natapos na ang klase, ang dami kong nakitang mga kaibigan sa eng'g building. Tila onti-onting nagbigay sa'kin ng saya ang mga simpleng bati nila.

Binabati ko sila Pancho, Darwin, Errol, D'gang Member(Nakalimutan ko kasi pangalan^_^) Jaw, Melody, Dacu, Jackie, Jojo, Jopo, Pau, Bren, Christian, Emerson, Maricar, Maui, Francine... sino pa ba? 'Di ko na maalala yung iba e. Sana naman e nabanggit ko silang lahat.

Hindi ko man alam ang dahilan pero alam ko ay may purpose ang lahat ng nangyayari. Siguro may mga taong nagrequest kay Lord na makita akong ngumiti man lang. Haha!! ^_^

Ang masasabi ko lang ay MARAMING SALAMAT! Kahit sa hindi ko alam na paraan e naging masaya ko. ^_^

Isaiah 41:10
The Lord said,"So do not fear, for I am with you; do not be dismayed, for I am your God. I will strengthen you and help you; I will uphold you with my righteous right hand."

Sunday, July 12, 2009

Warning: NO GAYS ALLOWED!!!

Kanina nung pumunta ko sa tindahan medyo malapit samin para magpaload upang matext ang mga dati kong kaklase para sa pinaplano naming group study sa kadahilanan na nahihirapan ako sa mechanics, may narinig akong kanta. Ang sabi ng kanta na medyo jologs na rap na parang kinakanta ng mga tambay sa kung saan-saan na walang magawa kundi siguro mag-rap na lang ng kung anong pumasok sa utak nila "Ayaw namin sa mga babae dahil kami lamang ay lolokohin, buti pa ang bading kung umibig siguradong iibigin". UTANG NA LOOB!!!!(na sabi sir Jeff Velasco na parang mura sa umpisa pero di naman pala) Wala na ba sila sa tamang katinuan??????!!!!!!!!!!!

Isipin mo na lang, ano bang future meron sila? Di ko makayanan isipin na magkagusto sa bading noh! Utot nila! ASA kumbaga! SALOT!!!! BWISET!!! Lalo na sa mga naglaladlad sa mga kalye na parang walang inatupag kundi manggulo sa mga tao sa paligid nila at lalong-lalo na, SIRAIN ang tunay na pagpapakita ng isang responsibilidad ng mga lalaki.

Ang sabi nga diba, ang mga lalake ang magbibigay ng proteksyon sa mga babae, hindi lalaki ang pinoprotektahan. Mahiya naman siya diba? Isipin mo na lang, couple(lalake at gay) na nag pi-PDA??? WAAAHHHH!!!!!!

Ayoko na baka masuka pa ko sa harap ng PC.. -_-

O ano papatol ka?

2 Corinthians 5:17
"Therefore, if anyone is in Christ, he is a new creation; the old has gone, the new has come!"
Yan ang tamang pagbabago na purong katotohanan.. ^_^

Friday, July 10, 2009

An... Tok...

zzzzZZ....
(-_-)zzzZZ
(itsura sa klase)


Ang hirap ng buhay puyat
Tulog, palaging di sapat

Lagi masakit ang tuhod
Dahil lagi sa kakalakad ay pagod
Sa pag-uwi ay di makatulog
Parang 'di malutong itlog

Kumain para makabawi
Pero antok ay 'di mapawi
Mag-aral para makahabol
Sa tulog nama'y gahol

O Di matigil ang pagkatok
Ng 'di mapagbigyang antok

Wednesday, July 1, 2009

Pace Factor

Pace- rate of movement or change.
Factor- a circumstance contributing to a result.

Kumbaga pag pinagsama, rate of movement or change contributing to a result.
Ibig sabihin lang nito: Ano man ang gawin nating bagay, magbibigay ito ng resulta.
Nakakalito ba?
Ganito yan..
Isang galaw, magbibigay ng isang mabuti o masamang resulta.

Tanong: Paano ba malalaman kung ang isang galaw ay magreresulta sa isang mabuti o masamang bagay?
Sagot: EWAN!!!!!!!! Sabi nga nila, lahat daw ng tao ay nagkakamali. Ang hindi lang ginagawa ng tao ay ang matuto sa mga pagkakamaling ito. Maraming pagkakataon ang binibigay sa atin pero pinapalagpas lang natin ito at bumabalik lang sa dati nating mga gawi.

Tanong ulit: E paano naman yung mga taong nasa kulungan na habang buhay na mabibilanggo?
Makakapagbago pa ba sila e sa kulungan na nila uubusin yung natitirang oras sa buhay nila?
Sagot: Tatanongin din kita: Ano ba ang tunay na dahilan at buhay ka? Siguro ang sagot ng iba ay para magpakasaya ka sa buhay. Ang iba para makamit ang pangarap nila at pwede na sila mamatay. Sa tingin mo wala ng pag-asa ang mga tao sa preso? Meron siyempre. Sino bang nagsabi na kapag namatay ka na e tapos na ang lahat? Ayaw mo bang makamit ang pinakamasayang buhay sa itaas? Hindi ba nila kayang makilala si Bro sa kulungan? Kayang kaya! Sabi nga, "He is everywhere".

Fieldwork #1: Pace Factor
O
|\
/\ ______________________
\------------50m--------------\

Pace Factor=Taped Distance/Ave. no. of paces

hehe.. medyo nararamdaman ko na ang pagiging engineering student ko dito. ^_^

References: CE201L Elementary Surveying Lab Laboratory Manual, Cellphone ko.


No. of READERS: 1?? Haha!!!! ^_^

Monday, June 22, 2009

Naknang!!!!

HEY EACH ONE AND ONE!!!
Yan ang nagbigay ng karagdagang bakasyon ko.
Good news ba o bad news?
Good news para sa iba kasi tinatamad sila mag-aral.
Bad news kasi tinatamad na ko dito sa bahay!
Isipin mo na lang yung daily routine ko:
Gising
Umagang Kay Ganda!
Computer/Reborn!&Naruto
Lunch
K'allan's(gamehouse)
Basketball(tanging naeenjoy ko gawin kaso pag may bakaw na kakampi e nakakatamad)
Uwi
Dinner
Tulog
O diba? Yan na lang palagi.
Tapos may mga pasok pa mga kaibigan ko.
Ako lang yung wala.
Niyaya pa ko: Nood tayo Transformers 2 sa Sabado ah..
Naknang??? Onti pa lang naipon ko!!!!!!!!
Naknang !@#$%^&*()_+ naman talaga oh!!!
Kung may pasok lang ngayong week e sana may dagdag ipon ako.

Autobots!!!!!! Transform!!!!!!!!!!!


Ang saya dba? Isipin mo na lang di ka makasama manood nyan.
NAKNANG!!!!!!!!!

First time ko.. So?

A E A E A E A E A E...............
Ano ba gagawin ko?
I'm innocent..
brr brr... ughhh....
mic check mic check...
1 2 3...
gumagana naman yung keyboard..
weeee...............
libre pala magsulat..
wooooooooooot!!!!!!!!!
kappish!!!
ok na ba yun???
wahehehe!!!!!!! ^_^

ok na..