Thursday, January 21, 2010

Where to?

Something caught my eye
but would not dare cross the line

Naghahanap?

Kahapon, pagkatapos ng exam, para bang nakaramdam ako ng boredom na hindi mawala kahit anong gawin kong pagpapakabusy.

Dumiretso ako sa bahay nila jopo at sanch sa may laon-laan. Sinubukan ko maglaro ng plants vs zombies pero kaahit pa ngayon ko lang nalaro 'yun pero parang wala man lang akong maramdamang excitement o pagkatuwa. Natulog na lang si jopo, Tinatamad pa daw kasi siyang mag-aral. Nagpatugtog na lang ako ng music at sinubukang mag-aral pero parang walang nangyayaring maganda, kahit natututo ako sa pinag-aaralan ko. Naisip kong mag-ayos na lang ng gamit ko at umuwi na. Sakto naman na nagising si jopo sa pagkakatulog niya, at nagpaalam na kahit wala pa siya sa sarili.

Sa loob na ko ng UST dumaan pauwi. Napaisip ng kung ano-ano tungkol sa boredom. Natanong ko sa sarili ko kung ano ba mga solusyon para sa pagkabato ng isang tao.Naisip ko na hindi naman talaga nandiyan 'lagi' ang mga kaibigan. Meron din naman kasi silang mga sariling buhay na kailangan atupagin. Hindi naman sila always available, siguradong may mga sarili din silang ambisyon sa buhay.

Pumasok 'yung salitang girlfriend sa isip ko.

Nung highschool ako, pinangako ko na sa sarili ko na hindi ako magkakaroon ng girlfriend hangga't 'di pa ko nakakagraduate ng college, kahit ok lang naman sa mga magulang ko. Kahit medyo natukso ko nung highschool, hindi ko pa rin nagawa, buti na lang. Nung dumating ang college, mas dumami 'yung temptation. Mas marami palang taong puwedeng makilala sa college kesa sa highschool, kaya pakiramdam ko baka mahirapan ako.

Ngayon, pakiramdam ko parang may hinahanap ako, pero sana naman hindi girlfriend 'yun. Ayaw ko mamroblema isang araw ng dahil sa kanya. Sigurado din kasi ako na hindi pa ko handa na pumasok dun. Wala pa naman kasi akong ma-ipoprovide kung sakali. Hindi rin naman ako sigurado na mawawala ang pagkabato ako.

Gusto ko din panindigan 'yung nakasabit sa ID ko:



|Love
|is
|Patient
|and
|Kind.
|1Cor 13:4




SALAMAT SA ORAS NYO SA PAGBABASA..

Monday, January 18, 2010

Mabait pero 'di mabuti

Pano mo ba masasabi na mabait ang isang tao?

Sa pag-uugali ba niya?
Sa pagtrato niya sa'yo?
Sa mga nakikita mong ginagawa niya?
Sa itsura?

Hehe..

D' ko rin alam e..

......


Pero ang alam ko ang pagkakaiba ng mabait at mabuti..

Ang taong MABAIT, basta mapasaya ka kahit ikakapahamak mo, hahayaan ka lang.
Ang taong MABUTI, kahit pa maging KJ ka sa paningin niya, hindi ka pababayaan 'wag ka lang malagay sa alanganin.

Kapag naipit sa gulo ang kaibigan:
sagot ng mabait: tara resbakan natin!!
sagot ng mabuti: hayaan mo, aabangan na lang natin tsaka natin sila babarilin.......................................................................
...............................................................................................
.................................................ng panalangin!!


So, mabait ka ba o mabuti??

"A man of many companions may come to ruin, but there is a friend who sticks closer than a brother."
-Proverbs 18:24

Maraming salamat sa pagbabasa!!
Medyo more than 10 na din pala tumitingin sa blog ko..
GOD BLESS PEOPLE!!!

-Xdefault

Sunday, January 17, 2010

FORCED POST!

Napansin ko lately na madalas na kong nakikipaghalubilo sa mga tao. Nakikipag-usap sa mga taong bago ko lang nakilala, bumabati ng 'hi(na may kasamang wave)' at nanggugulo sa mga ginagawa ng ibang tao.

Dati kasi masyado akong tahimik na kahit ma-bore na yung kasama ko, hindi pa rin ako magsasalita. Masyado kasi siguro akong nag-iisip ng mga kung anu-anong bagay na paulit-ulit ko lang naman din namang iniisip. Mga aral, laro, at pag-uugali; yan lang naman umiikot sa utak ko madalas. Minsan lang naman ako nag-iisip ng problema, sakit lang ng ulo 'yun.

Makapal na ata mukha ko ngayon, kaya siguro hindi na ko nag-iisip. :D

FORCED POST means napilitan lang mag-post.


GOOD DAY!
GOD BLESS!

-Xdefault