Saturday, September 19, 2009

Time Travel: Future

Para saan ba ang mga bagay na ginagawa natin ngayon? 'Di ba para sa resulta ng hinaharap? Nagkaroon kasi ng oras na tinanong ako ng kasalukuyan kong kaklase, 'Pre, kapag magpapatayo ka na ng sarili mong bahay, ano gusto mong features nito?'. Sa una, sabi ko 'gusto ko yung maluwag', tapos hindi ko na masundan. Wala ng pumapasok sa isip ko. Parang ang hirap kumuha ng mga ideya ng mga gusto ko para sa sarili kong magiging tahanan sa hinaharap. Kaya tuloy naisip ko na parang wala pa kong sariling plano para sa hinaharap ko. Naisip ko tuloy na i-try gumawa ng plan ng dream house ko this week. Kahit konti pa lang ang nalalaman ko sa pag-gawa ng plano, may natutunan naman ako sa naging drawing class ko nung first year. Siguro i-try kong i-post dito yung pic. Wish me luck! :D

No comments:

Post a Comment